ALBAY CELEBRATES MABINI’S 150-YEAR BIRTH ANNIVERSARY

The Province of Albay is joining the entire nation today, July 23, 2014, in celebrating the 150 years anniversary of the birth of profound thinker and political philosopher Apolinario Mabini, known in history as the “Sublime Paralytic” and “Brains of the Revolution.”

And to honor the hero, the province has unveiled a sculpture of Mabini, made by renowned sculptress Julie Lluch at the lobby of the Provincial Capitol.

Albay Gov. Joey Sarte Salceda acclaims Mabini as his personal model and national hero for Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and Climate Change Adaptation (CCA) within the more overarching fight by the disadvantaged and disabled for social justice.

In his speech delivered by the Governor’s elder brother Jesap, Salceda outlined the significant contributions of Mabini that changed the way his countrymen lives with his thought-provoking writings as well as his pioneering role in establishing and empowering local governments.

The Governor said it was Mabini who first proposed to capacitate local governments by using their own resources.

In his interview on a national television over the weekend, Salceda said local governments have more or less four per cent resource-building capacity.

“Isa siya sa mga unang [F]ilipino na naniwala sa epektibong pamamahala at agarang pag-unlad ng mga local na pamahalaan kung sila ay makapagsasarili,” he said.

In closing, the Governor urged everyone in his home province— recently devastated by Typhoon Glenda—to use their own talent and what they stand for to help improve Albay and the country. (Albay PIO)

MABINI: TALINO AT PANININDIGAN

by: Gov. Joey Sarte Salceda

Talumpati sa ika-150 taong pagdiriwang ng kapanganakan ni Mabini na idaraos sa Albay Provincial Capitol Building, ika-4nh, Hulyo 23, 2014.

Magmula pa noong unang panahon ang mga bansa ay nabubuo, nabubuwag at muling nabubuo sa pamamagitan ng paghihimagsik at rebolusyon. Tigmak ang kasaysayan ng mundo sa madudugong pag-aklas at labanan na nauuwi sa maramihang pagkamatay ng mga magkasalungat na pangkat.

Ang mga rebolusyong ito ay malimit na pamunuan ng mga lalaking matibay ang pangangatawan, matatag ang loob at may kakaibang tapang. Kapag nagtagumpay, sila ang nakikilalang mga bayani at malimit ay ama ng bansang kanilang ipinaglaban. Kabilang sa mga bayaning ito sina David ng Israel, Nebuchadnezzar ng Babilonya, Julius Ceasar ng Roma, Simon Bolivar ng Timog Amerika, Alfred the Great ng Britanya, at George Washington ng America.

Sa Filipinas, ang mga pagpupunyagi ng lahing Filipino na maging isang malayang bansa ay tinampukan ng mga bayaning katulad ni Lapulapu, Francisco Dagohoy, Diego Silang, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Sila ang matatapang na Filipino.

Subalit sa makabagong kasaysayan—o dahil marahil sa mas masigasig na mga mamamahayag o mananaliksik—lumilitaw na ang mga rebolusyon ay hindi lamang sa tapang at lakas ng mga bayani naipagtatagumpay.

Sa likod ng matatapang na lalaking namumuno sa larangan ng digmaan, sa likod ng mababagsik na mandirigmang may hawak na patalim at baril, mayroon palang mga ibang nilikha na umuugit sa kapalaran ng digmaan sa pamamagitan ng kanilang kakaibang talas ng isip at tibay ng dibdib. Ang kanilang lakas ay nasa talino at paninindigan. Sila ay malimit na bansagang mga utak ng rebolusyon.

Sa kasaysayan ng rebolusyon sa Filipinas, dalawang matatalinong tao ang namumukod ang pangalan.

Ang una ay si Emilio Jacinto, na kinilalang utak ng Katipunan. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan, na naging panuntunan ni Andres Bonifacio at ng lahat ng kasapi ng Katipunan. Buong talinong binalangkas ni Emilio Jacinto ang mga panuntunan na nagbigay ng direksiyon at nagturo ng landas sa mga maghihimagsik patungo sa makabuluhang pakikipaglaban at sa marangal na pamumuhay sa loob ng isang malayang bansa.

Ang pangalawa ay si Apolinario Mabini. Isinilang siya sa isang mahirap na pamilya, ngunit dahil sa angking talino ay nakapag-aral ng abogasiya at naging abogado.

Kasama siya ng mga Filipinong repormista na nagtayo ng La Liga Fillipina noong 1895 na naglayong magkaroon ng mga pagbabago sa pamahalaang pinamumunuan ng mga Kastila.

Nang sumiklab ang Spanish-American War noong 1898 ay nahulaan niyang mananalo ang Amerika at sasakupin nito ang Filipinas. Maaga niyang binalaan ang mga lider na Filipino na ipaglaban ang kasarinlan at kalayaan ng ating bansa.

Ang sinulat na manifesto ni Mabini tungkol sa panibagong panganib na hinaharap ng bansa ang nakatawag ng pansin ni Emilio Aguinaldo at siyang nagbunsod upang kunin niyang tagapayo si Apolinario Mabini noong ika-12 ng Hunyo 1898, nang ideklara niya ang kalayaan ng Filipinas sa Kawit, Cavite.

Nagkatotoo ang hinala ni Mabini nang ibenta ng Espanya sa Amerika ang Filipinas sa halagang dalawampung milyong piso at sinimulan ang pananakop na itinago ng Amerika sa nagbabalatkayong “BENEVOLENT ASSIMILATION.”

Sa tulong ni Mabini ay itinatag ni Emilio Aguinaldo ang rebolusyonaryong pamahalaan na layong lumaban at makalaya sa galamay ng Amerika. Sa bagong tatag na unang Republika ng Filipinas ay nanilbihan si Mabini bilang President of the Council of Secretaries (katumbas ng DILG ngayon) at Kalihim Panlabas ( Secretary of Foreign Affairs).

Maitatanong marahil, bakit kailangang gunitain at dakilain si Apolinario Mabini ng mga Albayano? Ano ba ang nagawa niya na nakapagpabago sa ating pamumuhay bilang Filipino at bilang Albayano?

Narito po ang ilan sa mahahalagang kontribusyon ni Mabini:

1.  Si Mabini ang sumulat ng “Programa Constitucional de la Republica Filipina” na naging balankas ng unang Konstitusyon ng Republika ng Filipinas. Bagaman hiram ang karamihang probisyon nito sa American Constitution, si Mabini ang naglagay ng mga pagbabago at pagsasaayos upang umangkop ang saligang batas sa lokal na pamahalaang likas sa mga Filipino;

2.  Ang “El Verdadero Decalogo” na sinulat ni Mabini ay hindi mapantayan na sampong tuntunin para sa makatotohanan at makabuluhang pamumuhay bilang isang patriotikong Filipino;

3.  Si Mabini rin ang bumalangkas sa mga panuntunan sa pagbuo ng mga munisipyo, probinsiya, hudikatura, pulis at sandatahang lakas ng bansa;

4. Kay Mabini na kaisipan ang pagtatag ng civil registry of property na tumitiyak sa maayos na pagdodokumento ng pag-aari ng bawat mamamayan.

Noong isang araw lamang, nabanggit ko sa interview ng ANC na ang lokal na pamahalaan ay mayroon lamang humigit-kumulang na apat na porsyentong (4%) kakayahan o resources upang umugit ng sarili nitong mga programa. Ang lahat ay nakasalalay sa gobyerno nasyonal na nasa Maynila.

Si Apolinario Mabini ang unang nagpanukala na bigyan ng kakayahan ang mga lokal na gobyerno na pamahalaan ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang produkto, tao, buwis at kita sa negosyo. Bagaman galit si Mabini sa mga Amerikano, isa siya sa mga unang Filipino na naniwala sa epektibong pamamahala at agarang pag-unlad ng mga lokal na pamahalaan kung sila ay makapagsasarili. Sa madaling salita, si Mabini ay federalista.

Subalit namumukod sa lahat ng katangian ni Mabini ang lakas at impluwensiyang ipinakita niya sa pag-ugit ng kinabukasan ng bansa kahit siya ay lumpo at hindi makawala sa kanyang upuan. Minsan pang pinatunayan niya sa atin na ang digmaan, ang paghihimagsik at ang pag-aaklas ay naipagtatagumpay nang maayos kung ang isang tao ay may sapat na talino at paninindigan.

Gamitin natin ang ating talino at paninindigan upang mapaunlad ang kabuhayan ng ating probinsiya at maging mapayapa ang pagsulong ng ating bansa.

MAGANDANG HAPON PO AT PAGPALAIN TAYO NG MAYKAPAL!

ALBAY TO CELEBRATE MABINI SESQUICENTENNIAL BIRTH ANNIVERSARY

Rationale: The Provincial Government of Albay celebrates the 150 years anniversary of the birth of profound thinker and political philosopher Apolinario Mabini, known as the brains of the Revolution. The Governor has always acclaimed Mabini as his personal model and national hero for DRRM and climate change adaptation within the more overarching fight by the disadvantaged and disabled for social justice.

With the theme, “Mabini: Talino at Paninindigan,” the event aims to honor Mabini, the “sublime paralytic,” who, being physically handicapped, was considered as the brains behind the Philippine revolution.

APOLINARIO MARANAN MABINI, was born on July 23, 1864 in what is now Barangay Talaga of the City of Tanauan in the Province of Batangas, Republic of the Philippines. He served as the Prime Minister and Head of the Cabinet of the First Republic under the administration of Emilio Aguinaldo in January 2, 1899.

The event’s highlight shall be the unveiling of the statue of Apolinario Mabini, made by reknown scuptress Julie Lluch in the lobby of the Provincial Capitol of Albay at 4pm on July 23, 2014.

Albay Poet Laureate and Consultant for Cultural Affairs Abdon M. Balde Jr. shall deliver a short biography of the Hero. Provincial Administrator Jesap Salceda will read the Governor’s Annual Mabini Speech.

To be invited during the event are Members of the Sangguniang Panlalawigan ng Albay, PGA Department Heads, officials and staff, civic and military leaders and representatives of the academe, and the local media.

http://amabini.com/