(Legazpi City, Enero 18, 2023) – Pinirmahan na ni Albay Governor Edcel ‘Grex’ Lagman ang Executive Order (EO) No. 2 kung saan nakapalaman ang mga bagong alituntunin (guidelines) sa pagsuspendi ng klase sa buong lalawigan tuwing nakararanas ng sama ng panahon.
Ang hakbang na ito ay kaugnay nang napaulat na kalituhan sa ilang mga paaralan kaugnay nang pagpapalabas ng suspensyon sa klase.
Sa nasabing guidelines, nakapaloob ang responsibilidad sa pagsuspendi ng klase ay magmumula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Chairman (Governor), City / Municipal Disaster Management (DRRM) Chairman (Mayors) at Division / City Schools Superintendent ng Kagawaran ng Edukasyon.
Base sa pamantayan (criteria), ang localized suspension of classes o ang pagbibigay ng pahintulot sa mga mayors at mga pinuno ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa alinmang bayan o lungsod sa Albay na magsuspendi ng klase tuwing makararanas ng Thunderstorms, Northeast Monsoon o Amihan, Southwest Monsoon o Habagat o kaya naman Shear Line o Cold Front. Ang mga weather systems na ito ang nagdudulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha na maaaring magdulot ng pinsala at kapahamakan sa mga mamamayan.
Samantala, ang general suspension o pangkalahatang pagsuspendi ng klase ay magmumula sa PDRRMC Chairman o ng Gobernador ng lalawigan tuwing mayroong banta dulot ng isang Active Low Pressure Area o ang Trough of Low Pressure, Tropical Depression, Tropical Storm, Severe Tropical Storm, bagyo o Super Typhoon at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Maliban dito, ipapatupad naman ang mandatory class suspension kabilang ang work suspension kung ang lalawigan ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signals No. 1,2 at 3 at kung umabot sa yellow to orange rainfall warning mula sa PAGASA.
Asahan rin sa ipinalabas na kautusan ang pre-emptive Suspension of Classes sa panahon na mamataan ang patuloy na pagtaas ng tubig na maaring mag dulot ng banta nang mga pagbaha, pagguho ng lupa, lahar, storm surge o ang mapaminsalang hangin.
Kaugnay nito, nabanggit rin sa kautusan na papayagan lamang ang mga estudyante na makauwi sa kanilang mga tahanan kung kasama nito ang kani-kanilang mga magulang o bantay o kaya naman kung kumalma na ang kalagayan ng panahon.
Kinakailang rin base sa kautusan na maipalabas ang suspensyon ng klase at trabaho nang hindi lalagpas sa alas 5:30 ng umaga o kaya alas 11:30 ng tanghale para sa mga radyo, TV o alinmang mabilisang paraan ng pagpapaabot ng impormasyon.
Ikinokonsidera rin ang posibleng paglabas ng early dismissal sa klase o trabaho para sa biglaang epekto ng nararanasan na sama ng panahon.

LQuising, Albay PIO

Albay mulls training of more rescuers to maintain zero-casualty
(Legazpi City, September 28, 2022) As part of its time-honored zero-casualty goal during disasters, the Provincial Government of Albay (PGA) has planned to conduct substantial trainings of rescuers in the community. During the review of the 2023 Local Disaster Risk Reduction Management Plan of every city and municipality in Albay held on Wednesday at the Blue Room, Albay Capitol, Dr. Cedric Daep, chief of the Albay Public Safety and Emergency Management office (APSEMO), suggested the said plan. Dr. Daep emphasized the need for the LGUs to invest in preparing and equipping their rescuers to improve their response capability during worst-case scenarios. Albay is always frequented by natural disasters for its geographical location which is prone to volcanic eruption and typhoons. Dr. Daep added that community members should be trained to recognize their risks and understand communication and warnings during calamities.
He believed that through this, every disaster preparedness effort of the PGA can be viable and effective as the community plays a crucial role in the execution of plans.
Moreover, every LGU was advised to include risk mapping in their contingency plan which comprises the entire population at risk, as well as the list of vulnerable areas.

RReodique/KJAbad, Albay PIO

It seems we can’t find what you’re looking for. Perhaps searching can help.